Bishop Deogracias Iñiguez, hiniling na huwag bigyan ng opisyal na trato si Sen. Panfilo Lacson
MULING nanawagan si Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng Catholic Bishop Conference of the Philippines for Public Affairs kay Pangulong Aquino na huwag bigyan ng espesyal na trato ang nagtatagong si Senador Panfilo “Ping” Lacson na sumuporta sa kanya noong eleksyon.
Kasabay nito ay hiniling din ni Bishop Iñiguez na aksyunan agad ng gobyerno ang ulat sa paglitaw muli ng sindikatong Kuratong Baleleng.
Base sa Military Intelligence Source, si Lacson ay maaari nagtatago sa Ozamiz at kinakanlong ng isang grupo na may kaugnayan sa Kuratong.
Si Lacson ang pangunahing suspek sa isang kilalang kaso ng pagpatay kung saan sangkot ang mga miyembro ng Kuratong.
source: rmnnews